CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Monday, January 21, 2008

Produksyon-ito ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan.
Anyo ng Produksyon
§ Elementary Utility-produksyon na hindi na kinakailangan ng anumang proseso
§ Form Utility-
Ito ang mga hilaw na sangkap ngunit hindi sapat ang kasiyahang naidudulot sa tao kung kayat kailangang sumailalim sa isang proseso upang magbago ang anyo.

§ Time Utility-produktong ginagawa sa angkop na panahon.

§ Service Utility-produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao.

§ Possession Utility- Produksyon kung saan din a kailangan baguhin ang isang produkto ngunit kailangang ipagbili sa isang tao na higit na nakikinabang.

§ Place Utility-produktong tumataas ang kapakinabangan pati na rin ang halaga kapag ito ay inililipat ng lugar o pook.


Salik ng Produksyon
v Lupa

Sumasaklaw ito sa lahat ng mga orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan

v Lakas-Paggawa

Ang lakas ng tao ay ginagamit upang lumikha ng mga kapaki-pakinabang na bagay. Ito ang pinakamahalagang salik ng produksyon.

v Kapital

Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga bagay na ginagamit sa paglikha ng produkto o serbisyo.

v Kakayahang entreprenyur

Ang nagtatag ng negosyong makapagbibigay ng malaking kapakinabangan sa mamamayan. Siya ang nasa likod ng produksyon.

2 comments:

Unknown said...

Arigatou gozaimasu!

Unknown said...

Arigatou gozaimasu!