Alokasyon- ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman sa iba’t ibang gamit upang sagutin ang mga pangunahing katanungan ng isang lipunan sa suliranin ng kakapusan. Naglalayon na gamitin ang kapos na pinagkukunangyaman ng may kahusayan.
ü Anong produkto at serbisyo ang dapat gawin?
---tumutukoy ito sa kung gaano karami at anong uri ng produkto at serbisyo ang dapat likhain
ü Paano iproprodyus ang produkto at serbisyo?
---tumutukoy sa matalinong pagdedesisyon at paghahanap ng mga alternatibong pamamaraan kung paano lilikhain ang produkto at serbisyo
ü Paano ibabahagi ang kabuuang produksyon o kita?
--- sa bahaging ito ay dapat na maisaalang-alang ang matalinong pamamaraan at batayan sa makatarungang paghahati ng kita ng mga manggagawa at mamumuhunan
ü Kalian dapat gawin ang produkto at serbisyo?
---dapat magpasya ang bansa kung kailan gagamitin ang ginawang produkto. Para ba ito sa kasalukuyan o sa kinabukasan
Sistemang Pangkabuhayan- ito ay tumutukoy sa mga institusyong sumibol bunga ng organisadong pamamaraan ng paggawa ng lipunan upang matugunan ang kanilang pangangailangan para mabuhay.
0 comments:
Post a Comment