Dito makikita ang
kaunlaran ng isang bansa.
gampanan ng pamahalaan at iba pang sektor, ang kani-
kanilang gawain at tungkulin.
ECONOMIC INDICATOR
upang ilahad ang anumang pag-unlad ang narating ng isang
ekonomiya. Ito ang naglalarawan ng kalagayan ng bansa.
Kabuuang Pambansang Produkto (GNP)
Ang GNP ang tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon.
Ito ay itinuturing na pinakamahalagang bagay na isinasaalang-alang sa usapin na may kinalaman sa pag-unlad ng bansa.
Dito nalalaman ang pangkalahatang produksyon ng bansa.
Dito pinagsasama-sama ang produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa.
MARKET VALUE Pinagsama-samang presyo o halaga ng mga nagawang produkto.
FINAL GOOD Produktong handa na para konsumo.
INTERMEDIATE GOOD Hilaw na materyal na ipoproseso.
Ø POTENTIAL- kabuuang produksyon na tinatantya ayon sa kakayahan ng salik. Ito ay may hangarin na matamo sa loob ng isang taon.
GROWTH RATE FORMULA
GR= GNP(Kasalukuyang taon)-GNP(nakaraang taon) X 100
GNP(nakaraang taon)
GDP-Gross Domestic Product-halaga ng mga nagawang produkto sa loob ng bansa sa isang taon
Ø Kabayaran o kita ng mga empleyado at manggagawa(KEM)- ito ang lahat ng benepisyo, komisyon at allowance at ang sahod o bayad na naaayong kontrata ng manggagawa at sweldo ng empleyado.
Paano ang pagkuha?
NI=KEM+KEA+KK+KP
Hal.
KEM=110 milyong piso
KEA=50 milyong piso
KK=15 milyong piso
KP=22 milyong piso
110m+50m+15m+22m=197 milyong piso
Kung isasama ang iba pang gastos tulad ng
CCA-Capital Consumption Alowances o tinatawag na depresasyons pondo na inilaan para sa pagbili ng mga bagong makina at gusali.
IBT- Indirect Business Taxes o di-tuwirang buwis na ipinapataw sa produkto at serbisyo.
NI+IBT+CCA=GNP
Hal.
NI=197 milyong piso
CCA=12 milyong piso
IBT=5 milyong piso
197m+12m+5m=214 milyong piso
Final Expenditures Approach- mga sektor ng ekonomiya.
1. Gastusin ng pamahalaan(G)- ang paggastos ng gobyerno para sa pagbabayad ng empleyado.
3. Gastusin ng kompanys(K)- pagkonsumo ng mga negosyante sa mga fixed capital.
4. Gastusin ng Panlabas na sektor o export(X)- dito nakapaloob ang pagluluwas o export sa ibang bansa atimport(M).
5. Net Factor Income from Abroad NFIFA- nagpapakita ng deperensya ng kita ng Pilipinas sa ibang bansa bilang salik ng produksyon at kita ng mga dayuhang salik ng produksyon dito sa loob ng bansa.
6. Statistical Discrepancy(SD)- ito ang pagkakaroon ng labis o kulang sa pagsukat ng GNP.
Paano ang pagkuha?
GNP=G+P+K+(X-M)+NFIFA+SD
Hal.
P=120 milyon
G=30 milyon
K=59 milyon
M=20 milyon
X=27 milyon
NFIFA=5 milyon
SD=3 milyon
120m+30m+59m+20m+27m+5M+3m=214 milyong piso
Industrial Origin Approach- tinatawag ding value added approach kung saan kinukwenta ang lahat ng naiambag ng bawat industriya ng bansa.
Paano ang pagsukat?
o Kailangan munang alamin ang GDP saka dagdagan ang net factor income from abroad.
Hal.
Agrikultura=81milyon
Industriya=85milyon
Serbisyo=63milyon
81m+85m+63m=229milyong piso
NFIFA=-5milyon
TGDP=229milyon
-5m+229m=224milyong piso
o Kahit anong pagsukat ng GNP, ang kabuuan ay magkakapareho.
UGNAYAN NG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Sa ekonomiya ng consumer oriented tulad ng ating bansa, ang kagustuhan ng konsyumer ang siyang batayan ng dami at kalidad ng produkto at serbisyo. Ngunit, kailangang malaman kung magkano ang gagastusin. Paano ba ito nalalaman?
Consumption Function- nagpapakita ng relasyon ng pagkonsumo sa kita.
1. Maginal Propensity Consume(MPC)- may kinalaman sa pagbabago ng pagkonsumo sa pagbabago ng kita. Maipapahayag sa pormulang ∆C/∆Y.
2. Average Propensity to Consume(APC)- ito ay tumatalakay sa relasyon ng pagkonsumo ng tao sa bawat porsyento ng kabuuang kita. C/Y ay magiging daan upang malaman ang gagastusin ng sambahayan sa pagkonsumo.
Savings Function- nagpapaliwanag ng pag-iimpoksa kita na tinatanggap ng sambahayan.
1. Maginal Propensity to save(MPS)- pagbaba ng pag-iimpok sa bawat porsyento ng pagbabago ng kita. Pormula nito ay ∆S/∆Y.
2. Average Propensity to save(APS)- nagpapaliwanag ukol sa relasyon ng pag-iimpok sa porsyento ng kita. Ito ay ginagamit an ng pormulang S/Y.
Makikita sa hipotetikal na datos ang pagkuha nito.
IMPLASYON
Salamin ng pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na nagiging dahilan upang harapin ng pamahalaan ang suliranin na nagbunsod sa mataas na presyo.
Demand Pull
Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang kalagayan na mas labis aggregate demand kaysa aggregate supply.
Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang mga sahod ng manggagawa, pagbili ng mga hilaw na materyales at makinarya at paghahangad ng malaking tubo ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Structural Inflation
Kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na malayon ang anumang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuang demand ng ekonomiya. Pagtutunggalian ng mga pangkat sa lipunan upang makakuha ng malaking bahagi sa kabuuang kita ng bansa at tunggalian ng wage earners at profit earners.
“Magkano ba ang gastusin mo sa isang araw? Kasya ba ito sa pangangailangan? Dahilan ba ito ng pagtaas ng presyo?
“Oo, ito ay dahilan ng pagtaas ng presyo.Bakit nga ba tumataas ang presyo?
Sinasabing ang pagtaas ng presyo ay kaakibat ng ating buhay. Suliranin ng kinakaharap ng bansa. May tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay tumataas sa bawat oras, araw o linggo ngunit paano ba ito nasusukat?
Mga Uri ng Panukat sa Pagbabago ng Presyo
GNP deflator o GNP Implecit Price Index
Ito ang price index na ginagamitupang pababain ang current GNP sa constant GNP. Ang GNP deflator naman ay ginagamit upang alami ang halaga ng GNP batay sa nakaraang taon.
Pormula:
GNP at constant prices= GNP at current prices
deflator
Whole Sale Price Index Retail Price Index
Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong presyo ng final goods,intermediate goods at crude materials sa bilihang whole sale at retail.
Consumer Price Index(CPI)
Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon. Ito ay pagsukat ng average na pagbabago ng presyo ng produkto o bilihing pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili.
Pagkompyut ng CPI
1. Kunin ang tinimbang na presyo(weighted price).
-timbangXprsyo sa bawat taon
2.Pag-alam sa kabuuang tinimbang na presyo.
-pagsamasamahin ang lahat TP.
3.Kapag nakuha ang TWP ay maaaring makuha ang CPI.
Pormula:
CPI=TWP(kasalukuyang taon)/
TWP(nakarang taon o basehang taon) X 100
Patakarang Piskal
Tumutukoy sa kung paano ginagamit ng pamahalaan ang pera ng bayan sa kapakinabangan ng bansa
PURCHASING POWER OF PESO(PPP)
1
00/CPI= dito malalaman ang tunay na halaga ng piso.
Pagkompyut ng Antas ng Implasyon o Deplasyon
INFLATION RATE= CPI(Kasalukuyan)-CPI(nakaraan)
CPI(nakaraan) X100
PAMAMAHAGI NG KITA NG BANSA
PROPOSED BUDGET FOR 2008
DEpEd 145b
Public Works&Highways 93.5b
National Defense 52.5b
Interior& Local Gov’t 26.7b
DOH 2.715b
DSWD 776b
total budget 1.227trillion
DOWH 13.830b
NHA 4.43b
Institusyon ng Pananalapi- Ang institusyon na ito ang pangunahing institusyon na inaasahan ng pamahalaan sa paglikha, pagsusuplay, pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya.
Salapi- midyum o instrumento ng palitan ang tinatanggap ng lahat ng tao. Ito ang ginagamit upang makabili ng produkto at serbisyo.
KATANGIAN NG SALAPI
ü matibay
hindi agad-agad nasisira
5 taon tumatagal ang perang papel
10 taon naman ang barya
ü madaling makilala
madaling makilala laban sa pekeng pera.
May hugis at disenyo pati kulay na pare-pareho.
ü tinatanggap ng lahat
ito lamang ang pagpapatunay na itoy instrumento ng palitan. Ito ay tinatanggap sa anumang palitan.
ü matatag
Ito ay matatag sa anumang dimensyon
ü madaling dalhin
Ito ay nadadala saan mang lugar at kahit saang pagkakataon upang pambayad sa produkto at srbisyo.
ü magkakapareho
Ang kulay, hugis, timbang at disenyo ay iisa upang hindi malito at malaman kung ano bang halaga ito.
ü nagbabago ang suplay
Ito ay nagdaragdag o nagbabawas at nakasalalay sa kailangan ng ekonomiya.
TUNGKULIN NG SALAPI
ü Instrumento ng palitan
sa pamamagitan nito nakakamit ang produkto o serbisyo.
ü Pamantayan ng Halaga
Ito ang sukatan ng halaga ng pagpapalitan
ü Pamantayan ng naantalang pagbabayad
Ito ay ginagamit bilang tanda ng pagpapautang o pangungutang.
ü Reserba ng talaga
Hindi maaaring itago sa mahabang panahon.
EBOLUSYON NG SALAPI SA ATING BANSA
Unang barya ay nadiskubre ni Dr. Gilbert Perez na tinawag na Penniform Gold Barter Ring.
Spanish Barilla ang unang barya na ginawa sa ating bansa.
El Banco Español- Filipino de Isabela II ang kauna-unahang bangkong naitatag na nagpalabas ng unang salaping papel na Resos Fuertes.
Nagpalabas ang Bangko Sentral noong 1949 ng salaping papel na may halagang 1,2,5,10,20,50 at 100. Sa kasalukuyang mayroon ng 1000,500 at 200 ang ating perang papel. Naging barya naman ang 1,5,10.
MGA URI AT ANYO NG SALAPI
Commodity Money-Ang ating ninuno ang natutong gumamit ng anumang bagay bilang instrumento ng palitan. Ang mga bagay na ginagamit sa pagbili ng produkto ay commodity money.
Credit Money-Anumang uri ng instrumento ng pangungutang na tinatanggap bilang kabayaran sa biniling produkto at serbisyo sa pagbabayad ng anumang utang.
Promisory Notes-kasulatan na nangakong pagbabayad ng utang sa takdang araw.
Demand Deposit-tseke na pinirmahan na may nakasulat na halaga sa harap, pangalan ng bangko at para kanino.
Fiat Money-Ang salaping papel at mga barya ay yaong tinatawag na salaping nasa sirku;asyon o money supply na ginagamit ng tao sa araw-araw.
MGA PAMANTAYAN SA PAGLIKHA NG SALAPI
Commodity standard
o Pamantayang ginto (gold standard)
Ang bansa ay nasa ilalim nito kapag ang mga salaping nasa sirkulasyon ay may katumbas at tinutubos sa ginto.
o Pamantayang Pilak (silver standard)
Ang pamantayang ito ay kinapapalooban din ng silver coin standard at silver bullion standard kung saan ang pamantayang halaga ng salapi ay pilak.
Non Commodity Standard
o Pamantayang Papel (paper standard)
Ito ay may kinalaman sa pagpapalabas ng salaping papel na hindi kailangan tumbasan ng anumang metal.
Ano ba ang Bangko?
Ang Bangko ay isang uri ng institusyong pananalapi na tumatanggap at lumilikom ng labis na salapi na iniimpok ng mga tao at pamahalaan.
Bangko Sentral ng Pilipinas
Ito ay tinuturing na Bangko ng mga bangko.
Istitusyon na nagsasaad ng pananalapi at sistemang pampinansyal ng bansa.
Ito ay pag-aari at kontrolado ng pamahalaan.
Nag-iisyu at pinanggagalingan ng salapi.
Chef Banker at tagapayo ng pamahalaan.
Taga pamahala sa reserbang dayuhang salapi, ginto at ang pagbabayad ng utang panlabas at panloob.
Nagpapautang sa mga bangko.
9 comments:
ang sipag nyo!!!
bilib ako sa inyo..
natulungan nyo ako..
tnx.
wOw ka-bilib naman kayo....
IV-2 sa manggahan high school...
tnx sa infos....
Wo,nice lage inyo mga information kay complete jud!hehehe.......
i'm Zirah,16, from
Tanke National High School
Thanks , Astig
heheheheheh
Facebook e-add
rob_herbes@yahoo.com
ayuz po ty!!!!
SIPAG!!!!
maraming salamat talaga....
God Bless! :D
thaks dito.. dahil na solve ang aking problema...
Okeyyyy
Post a Comment